Guadalupe, 79-yrs and forever!

https://www.youtube.com/watch?v=Pyxbs5kTscI[youtube 

Seventy nine years na ngayon! Noong Hulyo 16, 1935 (araw mismo ng kapistahan ng Our Lady of Carmel), idinekreto ni Pope Pius XI “ang Birheng Maria sa ilalim ng titulong Birhen ng Guadalupe bilang Patrona ng Pilipinas…at ito’y walang maliw at di-mababago ng panahon.” 79 years and forever!

Ang Birhen ng Guadalupe rin ang Patrona ng mga bansang Amerika, gayundin ng pagdaigdigang kilusang ProLife at ng mga sanggol sa sinapupunan.

Our Lady of Guadalupe
Our Lady of Guadalupe–ang mahimalang imaheng ipinakita kay San Juan Diego sa Mexico, 1531

Mula sa Extremadura, España ay dinala ng manlalakbay na si Christopher Columbus ang imahen ng Birhen ng Guadalupe sa Mexico noong 1492. Sa unang pagyapak pa lamang niya sa lupain ay kaagad siyang lumuhod at dinasal ang Salve Regina. Mula roon ay nagkaroon ng bagong kahulugan ang kasaysayan nang mabuksan ang sibilisasyon at makilala ang Pananampalatayang Kristiyano sa buong Western world. At ang Birhen ng Guadalupe ang naging patrona ng buong Amerika.

Mabilis na lumaganap sa Mexico ang debosyon sa Birhen nang magpakita siya at magmilagro kay Juan Diego na isang katutubong Indian, sa burol ng Tepeyac noong Disyembre 9-12, 1531. Ang balabal na tilma ni Juan Diego ay nagpapakita sa “Birhen na nadaramtan ng mga bituin at araw.” Ang nakapintang imahen sa tilma ay hindi magawang ipaliwanag maging ng makabagong siensiya at teknolohiya sa kabila ng napakaraming pagsusuring ginawa ang mga dalubhasa. Sadyang hindi malirip ng dunong ng tao kung paano iginuhit ng Langit ang larawan ni Maria sa isang magaspang na telang maguey. (lolaana88 YouTube channel — <

Makalipas ang 483 taon, nananatili pa rin hanggang ngayon ang milagrosang imahen sa dambanang Katedral ng Mexico. Nagpapaalala ito ng dakilang pag-ibig ng Birheng Maria sa sali’t saling henerasyon. Nahalinhan ng Katolisismo ang sinaunang pagsamba ng mga tao sa Mexico. Natigil ang paganong ritwal na pagpaslang ng libu-libong mga sanggol bilang alay sa templo ng mga diyus-diyosan ng katutubong Aztec Indians.

Picture

Mula sa Mexico, dumaong sa Cebu ang expedition ng Kastilang conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Dala-dala nila ang mga replikang larawan ng Birheng Guadalupe na naging pananggalang nila sa mga panganib sa paglalakbay. Ang Birheng Guadaalupe ang orihinal na patrona ng Pilipinas, na noo’y naging parokya sa ilalim ng Diosesis ng Mexico.

Sumulong sina Legazpi pa-Hilaga at itinatag ang Lungsod ng Maynila noong Hunyo 24, 1571, kapistahan ni San Juan Bautista. Tig-isang distrito sa Cebu at Makati, at ang tulay sa Ilog Pasig na nagdurugtong dito sa Mandaluyong ay pinangalanang “Guadalupe.”

Pueblo amante de Maria! Tunay ngang ang Pilipinas ay isang bayang nagmamahal sa Birheng Maria.

One thought on “Guadalupe, 79-yrs and forever!

Leave a comment